Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P5.18 na pagtaas sa kada litro ng diesel.
Habang ang gasolina ay mayroong pagtaas ng hanggang P4.69 sa kada litro at ang kerosene ay umabot naman sa P5.58 ang pagtaas sa kada litro.
Isa sa mga nakitang dahilan ng Department of Energy (DOE) ay ang panibagong airstrikes ng US sa Iran.
]]>Ayon kay Manila City health officer Grace Padilla na pumalo na sa mahigit 1,000 ang kaso ng leptospirosis sa nasabing lungsod.
Dagdag pa nito na mula pa noong nakaraang dalawang linggo ay patuloy ang kanilang pag-obserba ng nasabing kaso.
Mayroong attack rate ng nasabing kaso ng hanggang tatlong kaso.
Inaasahan nila na tataas pa ang nasbing kaso dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan kung saan maraming lugar sa kanilang lungsod ang binabaha.
Napuno na rin ang mga pagamutan sa Lungsod ng Maynila dahil sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis kung saan mayroong pagtaas ng infection ang naitala.
]]>Ayon kay Remulla na naniniwala itong nasa Paris si dating Representative Zaldy Co na nahaharap ngayon sa kasong graft na may kaugnayan sa anomalya sa mga flood control sa bansa.
Sinabi pa ni Remulla na kaniyang kakausapin ang mga justice ministry at ilang mga otoridad doon sa France.
Naniniwala ito na aayawan ng French government na mabahiran ng anomalya dahil sa mga ginagawang pagtatago ng mga may kaso sa Pilipinas.
Bukod kay Co ay sinabi ni Remulla na nandoon din sina Senator Loren Legarda at anak nitong si Representative Leandro Leviste.
Si Legarda ay naghain ng medical leave kung saan kasama ang anak nitong si Batangas Rep. Leviste na sangkot sa anomalya sa solar power projects.
]]>Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, na ang nasabing pagbawi ng lisensiya ay nagbunsod sa iba’t-ibang mga paglabag.
Kasama na dito ang paggamit ng hindi otorisadong plaka na nakatalaga sa ibang mga sasakyan.
Magugunitang inimpound ng LTO ang sasakyan ni Torre matapos na dumaan ito sa EDSA Busway.
Nakita ang sasakyan na gumamit ng MMDA markings, body number at maging blinker at sirens.
Nitong Agosto 28 at 29 ay nabigyan na ng show cause order ang rehistradong may-ari ng sasakyan kung saan sa parehas na insidente ay iisa umano ang nagmamaneho ng sasakyan.
Inatasan din ng LTO na tanggalin ang mga MMDA markings kasama na ang blinker at sirens.
Magugunitang sinabi ni MMDA chairman Romando Artes na inamin ni Torre na siya ang may-ari ng sasakyan na lumabag dahil sa pagdaan sa EDSA Busway.
]]>Ito ay matapos na magdesisyon sina Prince Harry at Meghan na manirahan muli sa United Kingdom matapos ang paninirahan sa US.
Sa sulat na ipinadala ni King Charles sa Lord Chamberlain ng UK, ang pinaka senior officer ng British royal household, na hindi pa rin gaganap ng kanilang royal duties ang mag-asawa.
Sumulat si King Charles para bigyang linaw kung ano ang magiging papel nina Duke at Duchess of Sussex dahil na rin sa hiling ng iba.
]]>Sinabi ni COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco , na lahat ng mga election paraphernalia ay nasa kanilang mga hubs sa nasabing rehiyon.
Dagdag pa nito na lahat ng mga kakailanganin ay nakadeploy na sa mga hubs ng COMELEC sa limang lalawigan lalo na sa Cotabato City.
Nasuring mabuti ito ng mga stakeholders ganun din ang mga watchers ng bawat kandidato.
Gaganapin naman sa Setyembre 12 ang pag-deploy ng nasabing mga election paraphernalia sa bawat clustered precints.
Habang ang mga balota ay kanilang ipapasakamay sa mga guro sa Setyembre 13 isang araw bago ang Bangsamoro elections.
Mayroong 5,212 na mga clustered precints para sa Bangsamoro Parliamentary Elections at bawat isa ay magkakaroon ng automated vote counting machine.
Bawat munisipalidad ay mayroong nakahandang dagdag na makina sakaling pumalya ang mga naunang makina kung saan bawat paaralan ay mayroong nakatalagang technicians para ayusin ang aberya.
Tiniyak nito na lahat ng mga boto ay mabibilang para sa makasaysayang halalan.
]]>Matapos ang hosting ng bansa nitong Window 4 kontra Jordan at Iran noong Agosto 28 at 30 ay muling magbabalik ang laro dito sa bansa.
Unang gaganapin ang Window 5 sa Malaysia sa buwan ng Nobyembre.
Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Syria sa Nobyembre 27 habang makakaharap muli nila ang Iran sa Nobyembre 30.
Sa darating naman na Window 6 ay gaganapin sa Pebrereo 25,2027 kung saan muling makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Jordan at sa Pebrero 28 naman ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Syria.
Wala pang napiling lugar kung saan sa bansa gaganapin ang laro.
Nasa Group E ang Pilipinas na mayroong apat na panalo at apat na talo habang nangunguna sa grupo ang Australia na mayroong walong panalo at wala pang talo, sinundan ito ng New Zealand may anim na panalo at dalawang talo habang ang Iran at Jordan ay kapwa mayroong limang panalo at tatlong talo at panghuli sa puwesto ang Syria na mayroong dalawang panalo at anim na talo.
Sa Group F naman ay nanguna ang Japan at Lebanon na kapwa mayroong anim na panalo at dalawang talo, sinundan ng China na mayroong limang panalo at tatlong talo, South Korea at Qatar na kapwa mayroong apat na panalo at apat na talo at panghuli ang Saudi Arabia na mayroong tatlong panalo at limang talo.
Para makapasok sa 2027 FIBA World Cup ang koponan na magtatapos ng Top 3 sa bawat Grupo o best 4th placed team mula sa Group E o Group F.
]]>Ang nasabing hakbang ay kasunod ng paglabas ng warrant of arrest ng mambabatas mula sa Sandiganbayan dahil sa kasong plunder dahil sa umanoy anomalya sa mga flood control projects.
Sa 12-pahinang dokumento ng isinumite ng abogado ng mambabatas, ay inabisuhan nila ang anti-graft court na ang Leyte representatives ay naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa lungsod ng San Juan dahil sa ilang mga dinaramdam.
Kabilang sa mga dinaramdam nito ay hypertension, Type 2 diabetes melitus, hyperthyroidism, at coronary artery disease.
Mahigpit din na minomonitor ng mga doctor ang lagay ng kalusugan ng mambabatas.
Paliwanag nila na ito ay hindi nangangahulugan na iniiwasan ng mambabatas ang pag-aresto.
Nakatakda naman magsagawa ang Sandiganbayan Third Division ng pagsusuri sa kalusugan ni Romualdez.
Una rito ay kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang paghain nila ng warrant of arrest kay Romualdez habang ito ay nasa pagamutan.
Dagdag pa ng opisyal na nakabantay ang mga kasapi ng kapulisan sa pagamutan matapos na sumailalim sa dokumentasyon si Romualdez.
]]>Inilagay sa half-mast ang watawat ng Nepal na makikita sa mga opisina ng gobyerno at maging sa missions office sa ibang bansa.
Sa tradisyon na Hindua y nananatili sa loob lamang ng kanilang bahay ang mga malapit na kaanak ng mga nasawing biktima para magbigay respeto sa mga nasawi.
Wala na ring naganap na mga programa dahil karamihan sa mga rescue personnel ay patuloy ang paghahanap sa lugar kung saan naganap ang landslide.
Magugunitang noong Agosto 26 ng maganap ang pagguho ng malalaking bato at glaciers na tumama sa kailugan ng Himalayan border ng Nepal at Tibet Region.
Sa insidente ay umabot sa mahigit 1,300 katao na ang nasawi at mahigit 5,500 pa ang patuloy na hinahanap.
]]>Kinumpirma ng singer ang pagpanaw ng kaniyang longtime collaborator at matalik na kaibigan sa pamamagitan ng pagpost ng larawan nilang dalawa sa kaniyang social media.
Hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye ang singer kung ano ang sanhi ng kamatayan ni Small.
Mula pa noong 1960 ay naging magkasama ang dalawa sa bandang “The Hassle” bago bumuo ng hard-rock duo na Attila kung saan keyboards at vocals si Billy habang drums naman si Jon.
Nagkaroon ng relasyon si Billy sa asawa ni Jon na si Elizabeth Weber na pinakasalan ni Billy noong nag-divorce na sila ni Jon.
Matapos ang alitan ay nagkaayos din ang dalawa kung saan magkasama sila sa paggawa sa mga projects gaya ng mga iba’t-ibang konsiyerto.
]]>